Saturday, November 5, 2016

REPLEKSYON NG KWENTONG BUNGA NG KASALANAN



Ang Bunga ng Kasalanan ay tungkol sa isang mag asawa na hindi biyayaan ng anak. Sila'y tunay na kahanga hanga dahil ginagawa nila ang lahat magkaroon lang ng anak. Ginagawa rin nila ang matinding pananalig sa Diyos at sa iba't ibang santo tulad nalang ng Mahal na Santong San Pascual at Santa Klara. Nagustuhan ko sa kanila ang kanilang pananalig na yaon na kahit sila'y nawalan ng pag asa na manalig ay sa huli nanaig pa rin ang kanilang pananalig at pananampalataya.

Masasabi ko na ang tauhan sa kwentong ito ay kagaya rin ng ibang tao dito sa mundo. Tulad ni Virginia na ipinakita niya ang kanyang pagkamakadiyos na kung saan itoy sumisimbolo sa ating mga Pilipino na mayroon ding pananampalataya sa Diyos, Santo at pagsimba, sa paniniwalang sila'y pagkakalooban anuman ang kanilang hilingin. Ang isa pang katangian na ipinakita ni Virginia ay hindi siya nawalan ng pag asa na magkakaroon din sila ng anak balang araw. Ang mga Pilipino o tayong mga Pilipino ay hindi rin nawawalan ng pag asa na kung saan tayo'y naghihintay na makamtan natin ang ating minimithi hindi man ngayon pero sa takdang panahon.

Ang akdang ito ay masasabi ko na napakaganda at kapupulutan ng aral. Aral na kung saan ay dapat tandaan at hindi kalimutan. Ang aral na nakuha ko sa kwentong ito ay dapat hindi tayo mawalan ng pag asa na manalig sa Diyos. Dahil hanggat nananalig tayo ng may buong puso ay mas natutuwa ang Diyos, at dahil doon mas bibigyan niya tayo ng maraming biyaya.

1 comment: