Saturday, November 5, 2016

REPLEKSYON NG KWENTONG BUNGA NG KASALANAN



Ang Bunga ng Kasalanan ay tungkol sa isang mag asawa na hindi biyayaan ng anak. Sila'y tunay na kahanga hanga dahil ginagawa nila ang lahat magkaroon lang ng anak. Ginagawa rin nila ang matinding pananalig sa Diyos at sa iba't ibang santo tulad nalang ng Mahal na Santong San Pascual at Santa Klara. Nagustuhan ko sa kanila ang kanilang pananalig na yaon na kahit sila'y nawalan ng pag asa na manalig ay sa huli nanaig pa rin ang kanilang pananalig at pananampalataya.

Masasabi ko na ang tauhan sa kwentong ito ay kagaya rin ng ibang tao dito sa mundo. Tulad ni Virginia na ipinakita niya ang kanyang pagkamakadiyos na kung saan itoy sumisimbolo sa ating mga Pilipino na mayroon ding pananampalataya sa Diyos, Santo at pagsimba, sa paniniwalang sila'y pagkakalooban anuman ang kanilang hilingin. Ang isa pang katangian na ipinakita ni Virginia ay hindi siya nawalan ng pag asa na magkakaroon din sila ng anak balang araw. Ang mga Pilipino o tayong mga Pilipino ay hindi rin nawawalan ng pag asa na kung saan tayo'y naghihintay na makamtan natin ang ating minimithi hindi man ngayon pero sa takdang panahon.

Ang akdang ito ay masasabi ko na napakaganda at kapupulutan ng aral. Aral na kung saan ay dapat tandaan at hindi kalimutan. Ang aral na nakuha ko sa kwentong ito ay dapat hindi tayo mawalan ng pag asa na manalig sa Diyos. Dahil hanggat nananalig tayo ng may buong puso ay mas natutuwa ang Diyos, at dahil doon mas bibigyan niya tayo ng maraming biyaya.

BUOD NG KWENTONG BUNGA NG KASALANAN


Ang maikling kwento na pinamagatang bunga ng kasalanan ay tungkol sa mag- asawa na sina Rodin at Virginia. Si Virginia ang babaing madasalin, palasimba, ay may sampung taon nang kasal kay Rodin. At sa sampung taon nilang pagsasama ay hindi pa sila binibiyayaan ng anak. Mayaman si Virginia, may pangalan si Rodin at silang dalawa ay nabubuhay sa kasaganaan.. Dahil sa pangungulilang gustong magkaroon ng anak sila'y palaging nagdadasal sa Mahal na Birhen, at taimtim na tumatawag sa Diyos at ganun din sa kamahal mahalang San Pascual at Santa Klara. Sa halip na patuloy na manalig, sila'y nawalan ng pag asa at sa Doktor humingi ng tulong. Matapos ang matiyagang pagpapagamot di naglaon at sila'y nagkaroon ng anak. 

Si Virginia palibhasa'y madasalin, at may takot sa Diyos siya'y nag-aalinlangan sa kalinisan ng kanyang pagiging ina. Napag isip isip niyang ang kanilang anak ay hindi laman ng kanilang laman, kundi bula ng mga gamot na pinaghalo-halo ng karunungan, at nilimot niyang siya ay isang ina. Dahil sa pag iisip niya, minsan isang araw ng makita niyang iniiwi ni Rodin ang kanilang anak ay pinag-apuyan niya ito ng mata at pasisid na inagaw ang bata sa bisig ni Rodin. Isinigaw ni Virginia, "itong batang ito ay bunga ng kasalanan, ito'y hindi natin anak" at dahil dito siya'y nabaliw.

Habang pinasisikatan ng araw ni Rodin ang kanilang anak makikita sa kanyang mga mata na siya'y malungkot, dahil sa ikinikilos ng kanyang asawa . Dahil sa sobrang pag iisip at pagsisisi ni Virginia siya'y nanaginip na ang kanyang anak ay pinagmamalupitan ni Rodin na animo'y isang halimaw. Napasigaw si Virginia agad niyang pinuntahan ang kanyang anak at nakita niyang ito'y nakangiti at naglalaro sa bisig ni Rodin. At dahil sa ngiting yaon ng kanilang anak, ay nagliwanag na ang pag iisip ni Virginia. Isinigaw niya ng may buong pag giliw at kaligayahan na "ang batang ito ay aking anak."